Sunday, January 04, 2009

After a rollercoaster ride, let’s go and try a slide...

"Generator" content="Microsoft Word 12">

Dahil matatapos na naman ang isang taon, nandito na naman ako para balikan ang mga pangyayaring humubog, nagpasaya, nagpalungkot at nagpaloka sa papaalis na taon. Tara sabay natin itong balikan at muling tumawa at maiyak (maging malaya sa pagbibigay kumento sa mga pangyayari)

1. Mukha nang naglalakad na zombie dahil sa puyat... late na nga uuwi dahil sa mga meeting sa COMELEC at pagtuturo sa manila high.

2. Kinakabahan dhail candidate para ma F.A dahil sa dami nang beses na nalate... san ka naman kasi nakakita ng call time na 6:30.

3. Gumagawa ng mga lesson plan na para sa compilation lang, biruin mo mga 27 na iba’t ibang lesson plan...

4. Galit na sila sayo dahil lang sa issue ng F.A

5. Para sa kanila pangit ka... eh ano naman mas pangit ka kaya.

6. Kahit anong plano di naman natutuloy lalo na yung mga taong walang konsiderasyon.

7. Ang mga tao kapag may kailangan sayo mabait, pero kapag wala na kung anu-ano nang sinasabi sa likod mo... leche

8. Kaliwa’t kanan na trabaho... org, demo teaching, practicum may prof ka pang di pumapasok pero nag-assign ng reporting, meron ka ring prof na pareport lang ng pareport kahit nandiyan at present.

9. Hindi mo maiwasang magkacrush kahit na student mo pa.

10. Kapag mahal ka ng mga student mo, sila gagawa para sayo.

11. Mahirap pala kabahan lalo na kapag magdedemo teaching ka tas may mga gago kang student sa klase mo.

12. Magugulat ka na lang, ang mga student na halos di nagsasalita magpapakitang gilas.

13. Pagkatapos ng matinding kaba, kakabahan ka pa rin sa mga tanong nang mga estudiyante mo.

14. Mahirap mahuli ang sikreto lalo na nga mga student mo.

15. Kung matindi magselos ang karelasyon, mas grabe ang mga students...as is sobra mgaselos.

16. Mahirap talaga kapag may favourite class ka, mahirap silang iwan na di kaiiyak.

17. Sabi ko di ako iiyak...sabi ko lang yun.

18. One down 3 to go.

19. Sobrang saya kapag marami kang naaaccomplish lalo na kung gagraduate ka na.

20. Ang nakakainis lang kapag may prof na nagfefeeling dahil pakiramdam nya wala kang paki sa klase nya.

21. Pero kahit ganun, Masaya pa rin lalo na kapag ipagtatanggol ka ng prof na talagang nakakakilala sayo.

22. Sorry naman, report ko yun eh bakit ba nangengealam ka.

23. Mas inuna pa ang org bago mag-apply ng trabaho.

24. Gumawa lang ng resume dahil uso.

25. Dahil fresh graduate di na namili ng trabaho kahit crew pa sa mcdonalds.

26. Ang sabi ko lilibot lang ako dahil busy sa org, pero nagpasa din ng resume.

27. Kaya di pinapasin, all girls faculty pala sila.

28. Kakapasa lang ng resume may schedule na ng exams.

29. Pagkatapos ng isang taon, nakita mo siya ulit, this time bading na siya

30. Inabot ng 10pm sa school dahil nagtatatak ng balota.

31. Huwag kakain kahit inaya ka pa, malalaman mo na lang para sa ibang tao pala yun nagbayad ka pa

32. Minsan magugulat ka na lang mangyayari ang mga di inaasahan.

33. Iba talaga kapag fourth year ka na, may mga issue na di mo akalaing nangyayari pala.

34. Ikaw ang nag-organize ikaw pa ang masama... ang saklap.

35. Pano ba uusad ang student council na may secretary lang.

36. Wala pang resulta alam na nang lahat.

37. Big deal ba kung di sila nanalo.

38. Ako lang ang comelec chairman pero di ako ang majority ng botante.

39. Minsan mahahanap mo ang tulong sa mga taong di mo inaasahan.

40. Bago ka magexams para sa trabaho magbibilang ka muna ng boto.

41. Pagkatapos ka nilang yayain ikaw na lang mag-isa.

42. San ka naman nakakita ng naghahanap ng trabaho na hinatid pa ng nanay at kapatid.

43. Sangkatutak na psychological exams bago ka makahanap ng trabaho.

44. Pagkapasa ng test may schedule ka na para sa HR interview.

45. Akala mo tapos na hindi pala, magsisimula pa lang.

46. Botohan lang pero pati sa dean isa kang malaking issue.

47. I just want to have my life back as a normal student mahirap bang ibigay yun.

48. Nakakakaba pala kapag hinahabol mo ang oras para sa isang job interview.

49. Masayang mag-antay ng prof na alam naman nang lahat na di papasok

50. Maraming nag-aaway away dahil lang sa eleksyon.

51. “wala ka naming magagawa kaya wag mo nang problemahin”

52. Pagkatapos nyong kabahan para sa finals, absent ang prof

53. Wala nang tatamad pa sa prof na pati questions sa finals students ang gagawa.

54. Minsan akala mo wala na...pagkatapos ng ilang araw ng kaba at pagdarasal iinterviewhin ka na ng coordinator.

55. Nakakatuwang bumalik sa dating school hindi para bumisita pero para maghanap ng trabaho

56. Nakakatamad mag-apply kapag sobrang haba ng application form may essay pa

57. Dahil sa sobrang lapit nakakatamad tuloy mag-apply.

58. Habang papalapit ng papalapit ang pagtatapos mas lalo mong gusting wag na itong matapos

59. Pagkatapos mong gumawa ng questions at kabahan sa exams, sa mismong araw ng finals sasabihin ng prof nyo na wala na lang finals... (kainis talaga)

60. Magugulat ka na lang kasi di mo ineexpect na English pala ang medium of instruction

61. Kulang na lang umiyak at magpawis ako ng dugo sa pagdarasal bago ang demo teaching

62. Naranasan mo na bang lumabas ang puso mo sa kaba... ako oo

63. Pagkatapos ng demo masayang pati mga students ginudluck ka J

64. Pagkatapos ng demo interview naman sa principal...ano ba yun.

65. Kapag hinihingan ka na ng medical, sss, tin at kung anu ano pa tanggap ka na tsongs.

66. Nakakapagod din pa lang mag-ayos ng graduation ng mga bata.

67. 6pm ko na nalamang “YOU’RE HIRED”

68. Hanggang dulo di pa rin sila nagsasawang awayin ka.

69. Ang lalaking pumapatol sa babae ay bakla... ang pangit mo naming bakla.

70. Iba talaga ang feeling kapag natapos mo na ang kolehiyo... nakakatakot na

71. Dahil sa isang pangako pagkatapos ng marcha uuwi para sa patay.

72. After how many years nakasakay uli ng eroplano.

73. Malalaman mo na lang may kamag-anak kayong baliw (tsimis lang yun)

74. Nakakatuwang malamang may nagpadala ng sulat para mag-apply ka sa kanila.. (******)

75. Kung may kamag-anak kang baliw, meron ka na ring apo (eto totoo na)

76. Pagkatapos ng patay may kasal

77. Lola na nga ako magiging tita pa

78. Makukuha mo bang ikasal na walang ang tatay mo?

79. Unang araw sa trabaho late

80. Matutong magtanong para di ka naman over dressed

81. Pinakaimportanteng tanong sa trabaho “may boyfriend ka na ba”

82. At kung wala pa lahat sila papalaklapak ( teka sa faculty yan ah)

83. Dahil sa isang ngiti...

84. 500 pesos a day? Woah

85. Para makatipid bumili ng gown sa divisoria

86. Kahit imposible gagawin ng tatay para maipakita nya kung gano ka niya kamahal

87. Minsan kailangan mo lang din talagang mag-isip, baka di sila ang selfish kundi ikaw

88. Joyful thanksgiving

89. Bigla kang naging tahimik... kakaiba

90. Iba kapag wala na ang isa

91. Sa unang araw poker face ka dapat

92. First impression ay masungit

93. Minsan akala mo lang yun...yun pala magkakasundo rin kayo.

94. Dahil sa isang picture naiba ang pagtingin mo sa kanya.

95. Walang overtime pay para sa mga teachers tandaan mo yun

96. Ayaw mong maipit kaya wala kang magawa kundi sila na lang ang iwasan

97. Nakakatawang isiping magfiefieldtrip kayo pero gumagawa pa kayo ng TOS

98. Dahil sa katahimikan ang iniisip nila ayaw mo sa kanila

99. Isa sa mga pinakaayaw kong gawin ay magalit

100. Wag kang magagalit lalo na kung pagkatapos mong manermon ay magkakaroon ng people power sa labas ng faculty rm para humingi ng sorry

101. Wag na wag kang magbibiro sa nilalagnat, ikaw ang gagawa ng LPng siya dapat ang nakatoka

102. Nakakatakot ang ideang baka bukas wala na ang iyong nanay

103. Nag-alala siya... yikee!!!

104. Dahil sa nawawalang takip ng eraser meron siyang ice cream

105. “walang masamang tao”

106. Kahit anong plano, kung wala ang puso mo palpak pa rin

107. Birthday na puro may sakit ang mga tao

108. Lahat gagawin nya maging masaya lang ang birthday mo, kasama na ang pagtakot sa mga students mo

109. Una sa lahat teachers kami alam naming kung paano gumawa ng test... nakakainis ang daming mali, naulit pa ang tanong.

110. “pasensya na po wala pong tawag ang PRC tungkol sa corrections” “eh pano naming toh sasagutan?” “kayo na lang pong bahala” grrrrrr

111. Mahal kita di mo kayang suklian dapat mo rin ba akong iwasan?

112. Habang tumatagal mas lalo kitang nagugustuhan, habang nagugustuhan kita mas lalong tumatagal ang overtime

113. Pano mo iiwasan kung kayo ang lagging magkasama

114. 10am nagchecheck lang ng test paper... sa faculty rm

115. Wag kang magagalit nang may dala kang OHP panigurado matatapilok ka

116. Nag-iiwan ka na rin ng candy at chocolate sa table nya... wtf

117. Hinding hindi mo gugustuhing makita ka ng mga student mo sa mall lalo na kapag kasama ang nanay nya

118. Pagkatapos ng ilang gabing di makatulog... syet pwede na akong maghboyfriend nanay!!!

119. Kaya ka nga nagtatrabaho sa gobyerno eh... leche

120. Gusto mo nang hilahin ang oras para wala nang pasok

121. 300 para sa picture 50 pesos para sa bulaklak ano yun negosyo

122. Salamat sa hindi kahiya hiyang resulta ng board exams

123. Siguraduhin mong malakas ka para magbuhat ng 3kilong bigas

124. Mahirap umuwi ang teacher lalo na kapag December

125. Hindi kasya ang fortuner sa kalye ng J. Ruiz

126. Habang tumatagal nauunawaan mo na kung bakit ganun na lang ang pagtingin mo sa kanya

127. Naunawaan ko na rin ang kantang “passenger seat”

128. Proximity is not a reason to love a person

129. Akala mo din a kayo makukumpleto

130. Girl na girl... hahaha love it

131. Masaya magpasko lalo na kung kumpleto kayo

132. Mukha ka ng rabbit

133. Nakakatuwang maalala ang mga bagay bagay lalo na nung high school ka pa

134. Iba na kapag apat na taon na kayong di nagkita… parang IBANG TAO NA SIYA

135. Laptop!!!!

136. Wag padadala baka masaktan ka

137. “tapusin na natin ang biruan nakakapagod na eh”

138. Sasagutin mo ba ang isang persistent na manliligaw kahit di mo naman siya mahal?

139. Eto ako ngayon... bukas ano naman kaya

Masasabing maraming nangyari noong 2008... hahaha tama loveanne boyfriend na lang ang kulang... pero bakit hahanapin ang wala kung marami naming meron na dapat ipagpasalamat!!!!

Sa lahat... umaakyat at bumababa ang buhay subukan naman nating tumalon at magsaya... tara sama sama uli nating tahakin ang 2009... happy new year!!!!

Monday, December 31, 2007

2007...rewind

heto na naman ako...sa taon taong kong ginagawa...halika na at balikan natin ang
nakalipas ng taon at ang mga aral na natutunan ko sa bawat panahon.

1. ang mga dasal ay dinidinig at sinasagot sa takdang panahon
2. kung para talaga kayo sa isa't isa, tadhnan na rin ang gagawa ng paraan.
3. sa chatroom specifically sa irc laging nagsisimula ang lahat.
4. huwag mag cram para di ka matabla ng bakla.
5. huwag maniniwala kaagad.
6. akala mo lalaki babae pala
7. kahit nangako ka na, minsan di pa rin maiwasang mabali.
8. mahirap mamili sa pagitan ng isang lalai at isang nagpapanggap na lalaki.
9. huwag mantrip ng ka EB baka magsungit.
10. tignan mo muna ang pic ng kachat/katext bago makipag EB baka mabigla ka mas maganda pa
siya sayo.
11. minsan nakakatanga kapag ang katarayan at kasungitan ay nasa iisang tao lang.
12. seryoso na ang tibo kapag niloloadan ka na.
13. mahirap ang maraming manliligaw dalawang telepono ang lagi mong hawak.
14. naiinlove ka ng di mo namamalayan.
15. pati pinsan nya pinagseselosan mo na.(teka hindi ba't di ako selosa?)
16. cute pala ako kapag nagseselos (ayon yun sa kanya)
17. masarap kapag sinisimulan at tinatapos ng isang tao ang araw mo.
18. laging maging handa, hindi mo alam kung kailan ka nya gustong makita.
19. huwag magcicivilian kahit na college week nyo, pag-aawayan nyo yun ng kadate mo.
20. dapat naappreciate mo rin ang sports ng kadate mo para di nyo pag-awayan.
21. wag magpapakita ng grades sa kadate mo, masasabihan ka nyang weird.
22. laging tumingin sa ilaim ng pinto ng cubicle, baka mamaya antay ka ng antay wala naman
palang tao..at oo pag-aawayan nyo yun ng kadate mo.
23. wag maging matagal sa cr magagalit ang kadate mo
24. wag ka ring magpapaganda para sa kadate mo kasi iisipin nyang lumalandi ka sa iba.
25. makipagsweetan sa lugar na wala kang kakilala para di ka pag-isipan ng masama.
26. umuwi na kapag sinabi ng kadate mo.
27. ang matinong babae daw, alasinko pa lang nasa bahay na.
28. siguraduhing mong makaksakay kayo kaagad dahil mag-aaway kayo ng di mo inaasahan sa harap
ng mga kakilala mong hindi alam na pumapatol ka.
29. huwag maiinlove sa taong broken hearted
30. mahirap mabasted sa araw ng valentine's day.
31. huwag magtatanong kung alam mong hindi mo magugustuhan ang isasagot sayo.
32. kung burara ka sa gamit bihado mawawala ang cellphone mo sa araw ng bilangan.
33. nag-iiba ang ugali ng mga taong tumatakbo sa posisyon.
34. akala mo lahat ay naayon na sa plano sabay mabibigla ka.
35. kahit eleksyon na di pa huli ang lahat.
36. natutpad ang mga pangarap ng mga taong marunong humingi at mangarap.
37. di masayang matulog sa semento ng org rm.
38. pagkatapos ng matagal na bilangan bulagta sa kama.
39. huwag mag-papaalam manood ng sine dahil siguradong di ka nya papayagan... (di pa kayo
sa lagay na yan.
40. siguro nga di talaga ako para sa tibo.
41. sa isang bus ride nagkakaayos ang mga taong di magkasundo.
42. masarap ipagbaon lalo na kung puro mga paborito mo ang baon nya para sayo.
43. minsan bigla mo na lang narerealize na gusto mo na ang taong di mo inaaakalang
magugustuhan mo
44. kapag kailangan ka ng X mo...bigla na lang siyang tatawag sayo.
45. anong gagawin mo kapag nalaman mong ang X mo balak mag-aral sa school mo...at sa college
mo...ako naexcite ako.
46. kapag talagang mahal ka ng isang tao, hihintayin ka nya mula 5-9 ng gabi sa labas ng
jolibee kahit umuulan.
47. wag pupunta sa mga madidilim na lugar...di mo alam ang mga mangyayari.
48. lasapin ang bawat araw ng bakasyon lalo na kung wala ka nun dahil sa summer classes.
49. patience is a good virtue.
50. you cannot have evrything.
51. dahil sa pang-aasar ng iba, naiinlove ka na.
52. suguraduhing may cellphone ang susundo para di kayo magkasalisi.
53. kahit anong pagtatago kita pa rin.
54. masarap yung feeling na mahuhuli ka.
55. mahirap ang klase na 7-3 na walang break.
56. bakit ba ang fave teacher ko ang laging kinaaasaran ng lahat.
57. true love waits.
58. kahit papaano aasa ka eh, maghihintay kahit wala naman talaga.
59. you do not find another person to complete you, rather you look for someone who is
whole like you who would be complementary and would bring out the best in you- that's love.
60. dahil makulit siya sinagot mo.
61. kung kailan may bf ka na, saka naman babalik ang X mong tibo na inantay mo.
62. hahahaha 8
63. trust your instinct
64. kahit malayo naaalala ka pa rin nya.
65. sa unang araw bantayan ang mga kamay.
66. di mo napapansin pero lagi ng nangangamusta ang X mo.
67. kapag trabaho trabaho walang kaibikaibigan.
68. ang tulong dumarating sa mga taong di mo inaasahan at sa panahong di ka nakatingin.
69. kapag ayaw ng mga kaibigan mo makinig...wag matigas ang ulo.
70. kahit X mo na basta humingi ng tulong gagawin mo ang lahat para sa kanya.
71. bakit maraming magjowang bading sa gateway?
72. kahit naman di nakastore ang number nya memorize mo pa rin.
73. masarap abutin ng 12midnight sa arcade.
74. nakakapagod pa lang magpicture ng buong org.
75. nakakatuwang magsuot ng teacher's uniform.
76. nakakaasar kung kailan ayaw mo na saka mo malalamang break na sila.
77. isang text lang...babalik ka na naman.
78. kahit na naglet go ka na...iniwan mo na nga siya eh...ikaw pa rin ang babalik ilang
segundo pagkatapos mong iwan.
79. nung una paglalaruan mo lang kaso wala nainlove ka na.
80. ayos lang may boyfriend siya may boyfriend ka...pero naglalandian kayo sa isa't isa.
81. pagkatapos ng hirap asa top 10 ka.
82. masaya yung X mo sa tagumpay mo yung bf mo parang wala lang.
83. anong pakiramdam nang makipagkita sa X pagkatapos ng 2 taon...ang totoo naexcite ako.
84. di naman kayo bakit nagsusubuan kayo?
85. nakakatuwang isiping inihatid mo sa pag-uwi ang kalandian mo pag-uwi mo sa bahay nandun
na ang bf mo.
86. pinabukas mo sa bf mo ang inbox mo kahit alam mong "mahal ko" ang pangalan ng X mo na
puro messages nya ang nakastore.
87. kahit na nilalagnat ang bf mo di pa rin siya nagsalita sa nakita nya.
88. kapag sinabi ng kapatid mong umakyat ka, umakyat ka.
89. wala na alam mong iiwan mo na ang bf mo dahil sa kanya.
90. kayo na ulit kahit na alam mong papatayin ka ng mga kaibigan mo.
91. basta kapag mahal mo, ipaglalaban mo..
92. hindi nakakatuwang sumayaw sa harap ng maraming tao.
93. masarap yung feeling na ihahatid ka nya sa umaga tas aantayin matapos ng class.
94. wala ng mas sasarap pa sa pakiramdam na katabi mong matulog ang taong mahal mo.
95. masarap magturo belive me.
96. minsan wrong timing ang supervising lalo na kung galit ka sa klase mo.
97. masaya pa rin ang birthday kahit classmates mo lang ang kasama mo.
98. haaayyy dont surprise me...baka kayo ang masorpresa na alam ko na ang sorpresa nyo.
99. sa araw na magkasama kayo saka kayo magkakasagutan ng nanay mo.
100. kaya mong isuko ang lahat para sa taong mahal mo.
101. masara ang pakiramdam kapag sa panahong lugmok ka...nandiyan ang taong mahal mo para
damayan ka.
102. bakit ganon...kahit wala naman siyang ginagawa, nasasaktan ka.
103. magreretreat ka na lang trabaho pa rin ang nasa isip mo.
104. kahit alam mong kasalanan nya, bakit parang ang lumalabas ikaw ang may sala.
105. sa retreat nasasabi ng mga tao ang lahat ng gusto nilang sabihin sa isa't isa.
106. ako sa retreat ko narealize kung gano ko siya kamahal
107. di nakakatuwang makipaghiwalay sa araw ng monthsary nyo...sa mcdo mo pa ginawa.
108. nagagawa mo ang mga imposible para sa minamahal mo.
109. hindi palaging kayo ang panalo.
110. sana niyakap ko na siya ng araw na yun...hindi mo alam baka yun na ang huli.
111. nung umaga sweet lang siya sayo...ilang oras lang di na kayo ok.
112. di na kayo magkasundo, simpleng bagay pinag-aawayan nyo.
113. panahon ba talaga ng break up ang birthmonth ko?
114. wag mong babaliktarin ang sitawayson..
115. lagi talagang madumi ang pulitika.
116. isang linggo ka ng di kinakausap...panigurado magbebreak kayo.
117. aba binati ka pa ng happy monthsary mantakin mo nga naman...ikaw naman si gaga umaasa.
118. timing na pag-iyak araw ng grad pic mo.
119. kahit na ba broken hearted ka maganda ka pa rin sa grad pic basta magpapakasaya ka lang.
120. nagpapainom ka ng walang sa panahon.
121. malandi talaga ako kapag nakainom...sorry na.
122. sa di inaasahang panahon bigla na lang babalik ang dating nanliligaw sayo.
123. muntikan ng magkabf dahil sa kalasingan buti na lang prumeno.
124. pumasok ng may hangover partida may quiz pa kami sa araw na yun.
125. isang text lang nya...ayan nanaman umasa na naman.
126. dahil sa goodmorning nagload ng isang daan.
127. ganun lang kadali di na raw kasi nya alam kung masaya pa siya...tangaina sabihin na
lang yung totoo.
128. wala na akong pakialam kung marinig pa nila pero masakita eh.
129. minsan ang nakakaunawa sayo yung kapatid mong 3 yrs old.
130. kahit anong tago mo halata pa rin kahit pa ng mga students mo.
131. paunti unti lang magiging ok ka rin pagdating ng araw.
132. ang mga kaibigan mo pa rin kahit na di mo sila sinunod nandiyan pa rin para sayo.
133. ang mga nakakamove on lang ay ang mga taong pinipiling magmove on.
134. pray it works.
135. sa divi mo narerealize ang mga bagay bagay.
136. sa panahong lumilimot ka saka ka liligawan.
137. ang nanliligaw sayo ang gigising sa ideyang pilit mong ikinukubli sa sarili mo.
138. makukulong ka talaga kung magpapakulong ka.
139. ok din palang maging kaibigan ang X ng X mo.
140. masaya maka move on lalo na kapag isang buwan ka lang inabot...nagmamature ka na nga
talaga.
141. kahit na maraming nanliligaw gugustuhin mo rin talagang mapag-isa.
142. may 3 month period pala...sa palagay ko di niya alam yun...2 linggo pa lang kaming break
its complicated na ang status nya.
143. minsan kailangan mong tanggaping makakasama mo ng 3 buwan ang x crush mo...at kayong
dalawa lang from 1-7pm
145. nakakatuwa sa off camp...maraming guwapo kaso bakla.
146. totoo ang karma.
147. masakit marinig sa taong gusto mo na hinding hindi siya magkakagusto sayo.
148. love moves in mysterious ways.
149. ang pasensya may hangganan talaga.
150. habang tumatagal mas lalo mo siyang nakikilala
151. dahil sa off camp dumating ang panahong di ko na alam ang itsura ng tv
152. masarap nagkacrush...syet namiss ko yun sa mahabang panahon.
153. cute talaga siya sorry na.
154. hinay lang baka kindatan ka ng student mo.
155. may mga klase talaga na ang weird pero kinakabahan ka.
156. hindi mo man lang naisip kabarkada mo na ang isa sa mga rumarampa.
157. poster please!
158. sweet sila...sorry pero cant help but to compare.
159. ngayon ko na lang uli naramdamang mafrustrate at the same time maging masaya.
160. mas karapatdapat mahalin ang mga taong hindi dinedeserve mahalin.
161. tiyaga lang yan.
162. ang importante nag-eenjoy ka.
163. kapag pagod kang tunay kahit anong alarm di ka nagigising.
164. kapag nakita mo na siya...ang saya..ano pa kaya kapag kinamusta ka na niya.
165. likod lang niya at boses di ka na nakatulog
166. minsan sa mga taong di mo inaasahan, sila pa ang magpapasaya sayo.
167. masarap makipag -away kahit na alam mong may memo ka pagkatapos.
168. diner dash= memo
169. masarap mamili, lalo na kung para sayo...heheh shopping
170. maturity comes with responsibilty.
171. di ako ang taong dapat nyong ginagalit.
172. kaya kong manlaglag ng di mo inaasahan.
173. nagkabf ako ng dahil sa biruan
174. bakit ang mga tao ang bilis maniwala sa chismis
175. di ko ugaling makipagplastikan pasensya ka...
176. Lord...I miss my friends... hope you know what i mean

marami pa lang nangyari sa akin ngayong 2007....at ngayong 2008 ano naman kaya ang
madadatnan ko...hmmmm excited na ako...

sa lahat ng mga naging bahagi ng 2007 ko...salamat sa lahat ng pagmamahal at ngiti, sa mga
nasaktan ko...sorry di na yun mauulit...sa mga nakasakit sa akin.,..BELAT!!!hehehe
mahal na mahal ko kayo...see yah at 2008...GRADUATION NA!!

Tuesday, December 04, 2007

dec 3

ewan ko ba... pero tuwing pumapatak ang araw na ito laging dragging para sa akin.parang ayoko lang kumilos gusto ko lang huminto at bumalik sa nakaraan.sa nakaraang hindi ko na mababalikan.
two things happened in the same date. first one is this is the day when pau first broke up with me...3yrs ago and the day when i gave back the bracelet that andria gave to me as a birthday gift 8 yrs ago. everything is too painful for me to remember, but as I walked home a while ago, I realized that these painful experiences made me the kind of person I am today.
I always believe that it is not the event that must be remembered but the lessons that was taught by the journey. With them, I learned that people must not be taken for granted. That pride will leave you nowhere. That when someone means a lot to you, dont push them away for being afraid that one day you will wake up without them by your side. I know that I cant bring the hands of time back to these events, but I know for sure that in my hands I can have a new start, a new clock to begin with. I may regret what had happened in the past, but as for now all I can do is to forgive myself and to take the journey again with a new disposition in life.

Saturday, November 03, 2007

missing you

it started last wed,the first thing that pop out of my head was her.(oh before i forget, this entry is not about pau, baka mamaya siya na naman ang maisip eh) I really don't know, maybe its because of the song or maybe, its quite a while since we last talked to each other.By the way she is now working in Singapore, she has been there for almost a year now. The last message she sent me was last August, I told her I just thought of sending her a message.After that she did not replied.I guess she was busy working, and I busy with my own life.But last Wednesday was kind of weird. I was really thinking of her the whole day. Even at the time when Pau texted me about closure and all, I gave a short thought about it, but did not bother after my friends told me not to reply anything. After an hour of giving thought to what Pau texted, I began thinking about her again.I really do miss her.I dont know maybe because I never met a woman so vibrant and spunky as her.Like what a friendster survey asked: "anong gusto mo yung makulit o masungit?yung madaling magalit o pakialamera" I thought I can have all that attitude with one person, and that is her. The song chasing cars runs through my head all the time. Im getting confused until i thought about what's happening and why am I thinking about her until I realized some things.

I never imagined what I have been missing out for the last four years of my life.I was so stuck in my past while everyone around me is moving forward.I was so busy fixing and making my life right for pau, hoping that she will be back. Everything was planned, even stopping some feelings for other people. I was so busy putting things in order for someone who's just there to ruin it all again, that I never thought that other people maybe worthy of my love and attention. That other people who are far better than her. I may have loved her way back, but was just afraid of pau coming back and I wont handle the situation. I could have returned everything she was giving me but I was held back by a promise. And now she's so far away from me...and all I have are memories...memories that will always be remembered but no power to put the things where I want them to be

Right at this moment, I may have love her at that time but was afraid...and with this learning tonight maybe it's so right that I have started my life again...not being chained with my past.Today I learned that people should not be afraid of changes...that being afraid would only lead you nowhere so might as well risk and enjoy life, for life is indeed happy, and we should choose to be happy and fight for it.

Monday, October 29, 2007

crush

after 4yrs of not being serious of me having crushes on anyone or liking other people for that matter is so over.Last time i posted something here, telling people that i should be having my life back, and not be a prisoner of my past.I talked to nanay melai about it, and she told me i should have done it a little bit earlier.I guess i really should be hit twice or thrice before i could decide on something.I looked at her friendster bulletin, and read that she has a crush on someone in LB.I dont know but i hate thinking about it but my mind and heart is telling me that things are so fast for her.and then just right now, i saw that her status now is that it is complicated, she never put a picture of her with another person in her friendster profile, but i was surprised that she did.I dont know what to feel. I cant really tell her to do things, she has her own way of moving on and I have mine too.And yes, everybody else is telling me that she has that kind of attitude, i thought and even fought for it that she is not like what they are thinking of, but I was wrong.Definitely, as i see it she is a selfish person, only thinking of her needs and not thinking if other people will get hurt as long as she gets the attention the credit the love of all the people around her. I dont know maybe im bitter or something, or maybe im hurting...but not jealous.I must say that i still love her, but my love for her is just a mark of my past.and for the first time, after 4yrs i decided to leave that past now and move on with my life...without her.personally things for me are quite doing well.I guess having kilig moments while watching tv and DVD's are now flowing in me.I missed those days that I will go anywhere just to look for my crushed...and even research about them. Today, i realized that there are so many things that I missed out, being so attached with her made me close my door, my mind even my heart to other possibilities.and now, I can say that I'm having a life without her, and my little step creates new happy memories in my life.surely love will come back to its newer form, and when that day comes, I know that I'll be ready to give myself again...not being afraid to be hurt again.

"sing like no one is listening, dance like no one is watching...LOVE ILIKE YOU'LL NEVER GET HURT...live like its heaven here on earth"

Saturday, October 27, 2007

begin

up until now i still dont know what to tell people whenever they ask me if im ok. i still dont know, but i think that conversation a while ago with JB made me realized that, its time for me to begin a new. i have picked up the lessons and accepted what happened and its up to me to begin right away or still be a prisoner of my past.i have loved her and will always love her.but US is now a part of my past and something out there is waiting to be discovered, and someone out there deserves to be given a chance to feel the love i have inside.there is so much love inside of me...and i was blinded that it was only her whom i could share it with.right now i must say that i am not ready to have a relationship or even suitors for that matter.not because its unfair for her or she would think that things are so fast...but (to make things clear)RIGHT NOW I DONT NEED ANY PERSON TO PICK UP THE PIECES AND MAKE ME WHOLE AGAIN..WHAT I NEED IS MYSELF TO DECIDE TO HAVE A NEW LIFE...A LIFE WITHOUT HER A LIFE WITHOUT WHAT IFS...A LIFE NOT LOOKING BACK, AGAIN.and when that time comes, i know that God will be seeking for me again, to ask if i could share what I have with another person, with someone who will not make me whole...but a person complementary to make two person one.and as i always see love...my life will be full of chances, unexplained matters...and even wonderful events...LESSONS ARE NOW LEARNED...AND I DECIDED TO USE THEM...TO MY NEW START

Monday, October 22, 2007

thanks...

God always have His own way of making me happy...Im thankful for everything...Your always there for me...and im very thankful.For my parents, this one's for you..AND FOR MY INSPIRATION..sana marinig ko ulit toh...GALING MO TALAGA CONGRATS MAHAL!.syet im going to cry :( but you will always be and forever me my inspiration...08